MAY ASAWA NA AKO, PERO MAY NANGYAYARI SA AMIN NG BABAE KO Secret File by Jayan


May asawa na ako, pero may nangyayari sa amin ng babae ko. Babae din po ako ang kinakatakot ko malaman ng iba ang pagkatao ko. Yun bang magiging katatawanan dahil sa idea na iiwan ko ang asawa ko at ipagpapalit sa babae tawagin niyo na lang ako sa pangalang Jayan. May asawa na ako kinasal ako nung 2016 pero hindi ko nilahad sa asawa ko ang tunay na nakaraan ko bago kami magpakasal kasi natakot ako na malaman niya at ng pamilya ko. nahihiya din ako tungkol dito. 3 years din kami naging mag boyfriend bago kami nagpakasal. naisip ko noon na an g asawa ko na ang sagot at paraan para mabuhay ako ng maayos, normal, naaayon sa pagtingin ng tao sa sosyedad at nang matigil na din ang tanong ng tao sa paligid ko kung kelan ako mag aasawa 33 years old ako nung magpakasal ako at 29 years old naman ang asawa ko. bibigyan ko kayo ng konting background tungkol sakin. laking probinsya ako at alam naman natin conservative pa rin ang pamumuhay doon. pati pagdating sa pakikipagrelasyon. Noong nagkolehiyo ako, saka lang ako napounta ng manila. Noong mga panahong teenager pati pag kolehiyo ko, never akong nagkaroon ng kasintahan dahil pagaaral talaga ang priority ko. di naman kasi kami ganoon karangya sa buhay at umaasa ako sa scholarship para makapagtapos ng pagaaral. habang estudyante ako, highschool hanggang kolehiyo, napansin ko na iba yung nagugustuhan ko pero hanggang gusto lang kasi ayaw ko pa talaga magkaron ng jowa. at saka sa isip ko, maling magkagusto. Mas na incline ako na magkagusto sa babae. na confused ako noon pa kung bakit ako ganito, kung bakit babae ang nagugustuhan ko. hanggang sa naka graduate ako, nagkatrabaho at nung nagkatrabaho ako, doon din lang ako nagkaroon ng kauna unahang karelasyon. Nagkaroon ako ng kasintahan. Unang boyfriend.
Source: YES the Best Manila Facebook Page
Oo, lalake ang pinili kong makarelasyon. Sinubukan kong magkaroon ng lovelife. Anyway, sa isip isip ko, at age 22, nasa tamang edad naman na kami. Parehas may trabaho, kaya kahit mabuntis man ako eh kaya naming mabuhay. naging boyfriend ko siya for 3 years. May nangyayari na rin samin noon. napakilala ko na rin siya sa pamilya ko sa probinsya pero sa pagaakala kong siya na, ay hindi naman pala. Bigla na lang siyang hindi nakipag communicate sa akin at sa kalaunan nalaman ko, nagpakasal napala sa iba. magkalayo kasi kami noon ng lugar na pinagtratrabahuhan, kaya doon sa lugar ng work niya doon siya nakahanap ng asawa. Ako naman, nabigo at dalawang taon akong hindi nagjowa. Puro trabaho na lang muna ang inatupag ko. And then isang araw, naisipan ko, bakit kaya hindi ko na lang i-try o pagbigyan muli ang sarili ko. Kasi sa tagal na panahon eh nagkakagusto ako sa babae. Why not try it. Anyway, wala namang mangyayari sa akin tsaka para malaman ko din kung bakit ba ganito yung nararamdaman ko. Naisip ko din na mas sweet siguro at malambing kung babae ang karelasyon ko. So, naghanap ako sa social media ng dating site at doon ako namulat na existing pala ag ganitong sitwasyon. at hindi ako nagiisa na confused. Maraming klase pala ang orientation o gender identity na tinatawag atmasasabi ko na posibleng ako ay mabibilang sa hanay ng bisexual. May mga nakilala akong babae, nakarelasyon ng isa hanggang dalawang buwan. Mostly, sa chat lang kami nakakapag usap at yung iba ko namang naging girlfriend, nakikipagkita sa akin. Dito ako naexpose sa same sex relationship. Mostly, virtual pero isa sa dalawa kong nakarelasyon at na-meet personally , may nangyari sa amin. Oo, may nangyari sa amin. Pero dahil sa ikakasal na siya that time, eh mas pinili kong hiwalayan siya. Kasi ayaw kong makasira ng buhay nila. At dahil nakaset na rin yung kasal nila, talagang magugulo ko sila. Kaya, hindi na lang.

Source: YES the Best Manila Facebook Page
Year 2008, nakilala ko si Joanne. Graduating pa lang siya noon ng nursing sa isang school sa Cavite.  Siya ay isang lipstick lesbian at ganun naman talaga yung type ko para di mahalata. In case may makakita sa aming namamasyal. Naging girlfriend ko siya for five years. Naging OK nama kami, kaya lang, hindi ko talaga siya maipakilala sa pamilya ko. Itinago ko ang tungkol sa amin kasi hindi ko kayang panindigan, harapin ang totoo, pati ang tanggapin kung ano yung magiging reaksyon ng pamilya ko at sa work environment ko. Ok man lang sa kanya  na hindi ko siya maipakilala sa pamilya ko at sa mga kaibigan. So, kebs lang. Magkalayo rin kami ni Joanne. Sa southern Luzon kasi ako nagtratrabaho noon at paminsan minsan, sa loob ng 4 years, nagbabakasyon ako sa bahay nila.  Pero nagsama kami sa huling 1 year na kami pa. Pero, dumating yung panahon na naghanap ako g boyfriend habang kami ni Joanne. Na realize ko rin kasi, si Joanne walang trabaho. Umaasa sa parents niya na nagpapadala para sa kanilang magkakapatid. So, meron man silang taxi at apertment,  Eh, marami siyang inaasikaso. si Joanne ang namamahala. kaya naisip ko, parang ayaw ko ng ganitong sitwasyon. Yung ako yung magiging breadwinner kung sakali na kapag ituloy namin yung pagsasama namin, sobrang kakayod ako. Parang ayoko ng ganun. Kaya makalipas ang ilang buwan, nagkaroon ako ng boyfriend. Inilihim ko to kay Joanne. At yung boyfriend ko na yun, naging karelasyon ko for 6 months. Actually nakilala ko tong boyfriend ko na yun, sa work area ko sa southern Luzon. Samantalang si Joanne, nasa Cavite naman. Again, mas bata sa akin yung boyfriend ko noon ng 6 years. At may nangyari na rin sa amin ng boyfriend kong to. And then sa kalaunan, nabuntis ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon, nung malaman kong buntis ako. 5 weeks na pala yon kaya si Joanne lang ang tinawagan ko. Iyak ako ng iyak, hindi ko alam ang gagawin ko.  Pero imbis na magalit siya sa akin, tinanggap niya pa rin ako kasi mahal na mahal niya daw ako. at ayaw niyang maikasal ako sa lalakeng yon. Ayaw  rin ni Joanne na magkahiwalay kami. Kaya sinamahan niya ako na ipalaglag ang bata. Ipinalaglag namin yung bata kasi sa isip ko non, yun ang pinakamagandang paraan. So yun, nagawa koang ipalaglag ang bata. Hiniwalayan ko rin yung boyfriend ko noon at naging kami ulit ni Joanne. 
Pero matapos muli yung 6 months, may nakilala na naman akong lalake. katrabaho ko sa southern Luzon. isang buwan pa lang kaming magkakilala ay may nangyari na sa amin. Ambilis ng pangyayari ni kahit ligawan, period, hindi ko naranasan. MU agad kumbaga. Hindi man din kasi siya yung tipong sweet na lalake at ako nga rin that time eh. I considered him na maging husband ko kasi sa age ko na yun, at least may nakilala ako muling lalake na gusto ko, gusto ako, at posible na pakasalan ako. Kaya hindi ko na masyadong inintindi yung ligawan o pasweet moments. And again, nilihim ko yun kay Joanne, so 4 months na kami noon ng boyfriend ko at saka ko lang sinabi kay Joanne ang totoo. At dahil may nangyayari na rin samin nitong new boiyfriend ko, nag ingat ako na di magbuntis. At nung nalaman ni Joanne na may boyfriend na naman ako, syempre, galit siya sa umpisa. Pero sinabi niya na naiintindihan niya ko at naguguluhan lang ako sa buhay na ayaw ko pa raw tanggapin ang totong pagkatao ko. Kaya pati sa pakikipagrelasyon, ang gulo ko. Pinagsasabay sabay at hindi na makuntento. Pero sa kabila ng lahat, nagstay si Joanne sa akin kahit alam niyang may boyfriend din ako. Nagusap din kami na kung magpapakasal man ako, maging matalik na kaibigan pa rin kami. Sa madaling sabi, etong si new boyfriend, o tawagin na lang natin sa pangalang Ben, siya ang pinakasalan ko noong 2016.

Ayaw ko pa nga sana mag asawa noon eh sabi ko sa kanya. Kasi hindi pa ako handa. Pero hindi o masabi sabi totoo na nagpalaglag ako at nagkagirlfriend pa bago kami. Kaya lang, ang point kasi niya, may edad na ko, baka di na ko magbuntis kung aantayin ko  na magka edad pa lalo  bago ko maisipan na mag asawa na kami. So ayun, naghpakasal kami sa munisipyo at simbahan sa loob ng taong 2016. Ok naman kami nung unang taon naging maayos yung relasyon namin at halos buwan buwan ay umasa ko na magbubuntis ako. Magkalayo man kami ng lugar ng residence namin, pati sa pinagtratrabahuhan, siya kasi nasa southern Luzon, ako naman nandito sa Manila. Pero we make it a point na once an month magkikita kami. Nag schedule kami ng bakasyon kahit 2 weeks lang at tuwing holiday season naman, salitan kami ng bakasyon. Pupunta ko sa kanya and then, siya pupunta dito sa Manynila. Pero nabigo lang ako. Kasi until now, hindi pa rin ako nabubuntis. Sa isip isip ko siguro, nakarma na ko sa ginawa ko dati. Ganito yung sitwasyon namin ni Ben. Magkalayo kami ng lugar ng trabaho. Mostly, calls and texts  yung means namin para makapag usap, konting bakasyon, at nabanggit ko nga pala kanina, si Ben ay mas bata sa akin ng 5 years. Madalas din kaming hindi magkasundo pagdating sa pagdedesisyon. Sa usapang financial na pagmamanage, medyo kasi mas settled ako financially kesa sa kanya. Kaya pag may time na humihingi sa kanya ng suporta ang pamilya niya, nagrereact talaga ko. Kasi may asawa na siya, bakit bigay pa rin siya ng bigay sa pamilya niya. Palagi ko rin siyang napagsasabihang immature. So para na lang matapos yung diskusyon namin, Sige na lang papayag na lang ako. Kasi siya daw yung lalaki, at dapat siya daw yung masusunod. nagpapaka asawa na lang ako at yun naman yung sabi niya, magpaka asawa na lang ako. At sa mga nagdaang araw, nakaramdam na ko na, I'm longing for someone. Yung makakaramdam ako ng pagpapahalaga, someone who will address my emotional needs na feeling ko kasi na may parang kulang pa rin. Parang I'm longing for someone na talagang uunawa sa akin. Parang na bore ako sa buhay ko.

August last year, bumalik ako sa dating site na kung saan may mga nakilala akong mga kagaya ko. And there, may nakilala nga akong babae. Tawagin na lang natin siya sa pangalang Anne. Si Anne, ka-edad ko at 35 years old. Isa siyang lipstick lesbian. Pinay na nasa Amerika  nagtratrabaho at paminsan minsan umuuwi ng Pilipinas. Noong umpisa, ay naglalahap lang naman ako ng makakausap. Makakausap na matino, matured at maiintindihan ako dito sa tinatago kong pagkatao. Para kasing nakaranas na ko ng emotional distress, unhapiness and I feel na walang nagke- care sa akin. So lagi kaming nag uusap. September, nandito siya sa Manila at gusto niyang makipagkita sa akin, pero hindi ako nakipagkita at umiwas akong magkaron ng special na emotions para sa kanya. Hanggang sa umabot ng October , lalo kaming naging close sa isa't isa kahit via chat and call lang kami nag uusap. Mid week ng October, naging kami at aware naman siya na may asawa na ko. Alam kong mali, alam ko. Pero sa kalaunan, mas nararamdaman ko sa kanya ang emosyon, at care na gusto kong maramdaman at masasabi ko talagang nagiging masaya ko. lam kong nagiging unfair ko sa asawa ko. I tried. I tried and also tried. She tried na iwasan na namin yung isa't isa bago pa man mahulog kami ng tuluyan at lumalim ang pagtingin sa isa't isa. I tried to focus again ng time and attention sa asawa ko. Pero naiko compare ko talaga si Ben kay Anne eh. Mas nakukuha ni Anne yung mga gusto kong sabihin sa buhay. Napapasaya niya ko kahit hindi kami physically nagkikita. Mas nag mimeet yung frequency ng utak namin than with Ben. And then dumating yung december, at nagbakasyon si Ben sa Manila. Nagsama kami for about 2 weeks. At may isang gabi na umuwi siya bigla sa bahay at nahuli niya ko na kausap si Anne nung naka video call at doon na nagsimulang magtanong si Ben. Hindi ako umamin, hindi ako umaamin nung time na yun hanggang sa nabasa niya sa iPad ko yung conversation namin and then nabasa niya rin yung ibang conversation namin ng ibang babae na nakakausap ko dati pati yung conversation ko sa bestfriend kong si Jane na siyang tanging nakakaalam sa totoong ako at mga nangyayari sa buhay ko. Yung bestfriend ko na yun, siya lang talaga yung nakakaalam na nambabae ako at nambababae ako kahit babae ako. Nung nalaman yon ni Ben, galit na galit siya sa akin, at doon na ko umamin na bisexual ako. Dun na rin ako umamin na nagpalaglag na rin ako kaming before na magkarelasyon. Alam ko napakasakit non para kay Ben, na nabasa nya yung mga messages ko sa bestfriend ko na sinabi ko dun na "hindi ko naman talaga siya mahal na nagiisip na kong hiwalayan siya, na may nakilala na kong babae na nagpapasaya sakin" kaya nung mga oras a iyon umalis si Ben at buong holiday season ng December hanggang New Year hindi kami nag uusap o nagkikita. Minabuti ko rin na hindi na muna makipag usap para makapag isip isip kami parehas. So February, unti unti, nag uusap na kami ni Ben at sinabi niya, tatanggapin niya daw ako kahit ano pa man ako basta wah na daw akong mambabae pa at basta magpaka asawa na ko sa kanya. Sundin ko daw siya bilang padre de pamilya at magbuntis na ko para di na ko makapag isip ng kalokohan. Sabi ko, mas maganda siguro kung bigyan niya ko ng panahon na makapag isip isip kasi wala na ko sa tamang huwisyo eh. Nagpapasalamat naman ako kay Ben na tinataggap pa rin niya ako kahit ganito ako kaya naman March, umalis ako. Nagpunta ko ng Amerika at doon kinita ko na si Anne. Nagsama kami ng isang buwan. Lalo ko siyang nakilala at lalong nahulog na ang loob ko sa kanya. May asawa na ko pero may nangyayari samin ng babae ko at iyon nga si Anne. May nangyari samin ni Anne at hindi alam ni Ben na si Anne ang pinunta ko doon. Ang tanging alam niya, eh work related training ang pinunta ko doon sabay na ang pasyal at bnisita sa ilang relatives ko sa Amerika.
Bumalik ako ng Pilipinas April.  Ang usapan namin ni Anne, eh kahit may asawa ko patuloy lang ang relationship namin. Siya pa rin naman yung nagpupush sa akin na ayusin ang relasyon namin ni Ben. Pumapayag siya na puntahan ko si Ben  ng weekends at palagi siyang nagtatanong update tungkol sa amin ni Ben. Namamanage ko rin ang time ko na kausapin si Anne. So, lagi akong inaabot ng madaling araw para kausapin siya. Kasi nga, iba yung timezone doon. At nakakausap ko din naman si Ben. Pero mas madalas si Anne ang kausap ko. At sa ganitong klaseng set up, para pa rin akong lutang na hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong gawin. Minsan nga hindi ko na kinakausap siang dalawa eh para makapag isip isip ako para sa sarili ko. Ang gusto ko lang naman ay sumaya sa buhay. at gusto kong piliin si Anne, masaya ko kay Anne kasi magaan ang loob ko sa kanya. Naiintindihan niya ko, at nararamdaman ko yung care niya para sa akin kahit malayo kami sa isa't isa. Generous din siya sa akin. Pero ang negative side dito, ay yun yung kinakatakot ko na malaman ng iba ang pagkatao ko, na maging kakatawanan dahil sa ideyang iiwan ko yung asawa ko at ipagpapalit sa isang kapwa ko babae. Ano na lang ang sasabihin sakin ng pamilya ko. Ano na lang yung sasabihin ng co workers ko. Ano na lang yung sasabihin ng mga tao sa paligid. Ano na lang. Pero deep inside gusto ko na talaga si Anne. Si Ben naman, mula nong nagkabistuhan na kami, hindi na maibalik ng buo kung ano man yung meron kami dati ipinagsasabi niya sa friends niya at sa boss niya yung tungkol sa akin na nahuli niyang may babae ako. At sa mga pagkakataong magkasama kami, hindi maiwasan na pagsalitaan niya ko ng makati ako, manloloko, sinungaling at minumura pa ko. May away pa rin na nagaganap pero hindi na lang ako sumasagot para hindi na humaba yung diskusyon at away. Minabuti ko na lang na ayusin at i-pacify para wala nang away, para pagbalik ko ng Manila, maayos kami. Sinabi naman ni Ben sa akin, na mahal niya ko at panindigan namin at irespeto ang pagiging mag asawa namin. Sa ngayon hindi talaga ako makapag decide ng maayos. Si Ben, nararamdaman ko naman na mahal niya ko. Pinatawad niya ko sa mga nagawa ko at handang tanggapin pa alang alang sa kasal kami. Pero mas mahal ko si Anne. Minsan gusto ko nang sabihin kay Ben na maghiwalay na lang kami pero naaawa ako sa kanya. Na guiguilty ako kasi ako naman talaga yung may kasalanan kahit makikipagtalik ako sa kanya at nandidiri na ko. Pero sumasang ayon na lang ako para wala nang away. Diba? ang pangit sa pakiramdam na sarili kong asawa eh ayaw kong makipagtalik. Eh kasi diba duty ko yon bilang asawa niya. Pag di kasi ako pumapayag, nagagalit siya at nagiging dahilan nga ng away namin. Masama bang magpakatotoo? Kay Anne ko nararamdaman ang saya, yung pagmamahal. Minsan nga naiisip ko na umalis na lang ng bansa at sumama na sa kanya sa Amerika. Pero yun nga, may asawa akong iiwan. Pati trabaho ko, hindi ko rin maiwan. Alin ba yung mas matimbang, yung taong nagpapasaya sayo? o yung taong kailangan mong i-set sa isip mo na pasayahin mo para walang problema para maayos ang pamumuhay dito sa mundong ginagalawan natin, sa society natin.  Bigyan niyo naman ako ng lakas ng loob.

Secret File sent by Jayan
June 21, 2018

Comments