Fiance ng ate ko at tatay ng anak ko ay iisa.
Ako nga pala si Judy. I'm a single mother. My baby girl turned 7 last july 26. Siya ang buhay ko at ang aking lakas. Nabuntis ako no'ng ako ay nasa 2nd year college pa lamang. Halos isumpa ako ng parents ko. Adopted lang kasi ako. Namatay ang mother ko no'ng ako ay grade 6 pa lang. Isa siya sa biktima ng lumubog na barko noon. Ang Tita at Tito ko ang parents ko. Kapatid ni mama ang kinikilala kong Mommy. Matalino naman ako kaya isa siguro iyo sa dahilan kung bakit sila 'yong nagpalaki sa'kin. My honors ako noong grade school at first honor noong high school. Naging scholar ako noong college sa isang maganda at malaking university. Isa rin siguro 'yon sa reason kung bakit hindi kami naging gano'n ka-close ni Johana, ang ate ko at nag-iisang tunay na anak ng kinalakihan kong mga magulang. Madalas kami naikukompara na dalawa. 2 years lang ang gap namin. Kahit nong bata pa kami bully na siya sa akin kasi 'di naman kami tulad ng buhay na kinalakihan.
Single mom din kasi ang biological mom ko. Ang sabi nya, kasamahan niya sa Kuwait ang tatay ko at tinakasan siya noong malaman na buntis siya. So ayun na nga. nang mabuntis ako nawala ako sa scholarship. Nahinto ako sa pag-aaral kaya sobra 'yong galit ng parents ko, sabi nila sinayang ko 'yong mga ginastos nila sa'kin. Sa sobrang hiya, nag-working student ako. Pumasok ako sa isang fastfood at sa gabi naman student ako. Sa awa ng Diyos, natapos ko ang course ko na Hotel and Restaurant management. Nagconcentrate ako sa pastry at baking. Iyong isang professor ko noong college nag-retired na pala at noong minsang nagkita kami sa mall inalok niya ako if type ko daw maging Chef sa bagong bukas niyang resto. Dahil gusto ko na rin na mabawasan ang stress ko sa parents ko sinama ko ang anak ko at doon na ako sa Pampanga nag-work bilang Pastry Chef. At doon, Nagalit na naman uli iyong parents ko. In fairness naman sa kanila, kahit galit sila sa desisyon ko, mahal naman nila ang anak ko. Naging mabuting grandparents naman sila pero buo na ang loob ko kaya ngayon magti-three years na kami sa Pampanga. Kung may mga holiday lang umuuwi kami sa Manila at dinadalaw ko 'yong parents ko. Then last month nakatanggap ako ng phonecall sa Mommy ko, gusto niyang umuwi kami this month kasi ikakasal na daw si ate Johana. Aside sa mamamanhikan daw iyong family ng lalaki, susukatan daw iyong anak ko kasi kinuha kasi ni ate na flower girl at ako naman daw ay isa sa mga bridemaids. Medyo nagulat lang ako kasi hindi naman ako updated sa lovelife niya. Hindi naman kami close lalo na at nagtampo ako sa kanya dahil noong buntis ako, isa siya sa mga taong may mga pinakamasasakit na sinabi sa'kin at hindi basta iyon mawawala sa isip ko.
Nagkuwento si Mommy na na-meet daw ni ate Johana 'yong lalaki sa work tapos isa raw sa head ng department ni ate iyon. After one year nagpasya na ngang mag-propose kay ate Johana. Wala naman akong idea about sa guy kasi nagshutdown na'ko ng facebook 3 years old palang ang anak ko. Sapat na kasi sa'kin 'yong less social media kasi busy naman ako palagi. Then after ilang days, si ate naman 'yong tumawag. nagkuwento siya ng kaunti pero hindi naman ako interesado pero bakas sa boses niya na sobrang saya niya. Excited siya and good for her. Pinayagan akong lumuwas ng boss ko, dumiretso kami sa bahay namin at sakto andoon sina ate pero lumabas yata iyong fiancé niya at may binili raw. Nagpaalam ako saglit sa kanila kasi naubusan ng gatas 'yong anak ko at nag grocery ako. Pero ewan ko ba, kakaiba 'yong araw na iyon, very unexpected na nagkita kami ni Tony sa mall. Si Tony, siya ang tatay ng anak ko. Kahit siya ay nagulat. Kahit naman kasi ilang years na ang lumipas hindi naman kasi agad malilimutan iyong nangyari sa aming. Siya ay classmate ko noong college, crush ko siya pero friend lang ang ako sa kanya. Kakatapos lang ng team building namin noon tapos nagkayayaan ang barkada ko kasama siya na nag-bar sa Malate. Ayaw ko sana sumama kaso nadala ako eh gusto ko rin mag chill minsan. Uminom kami, nalasing ako kasi hindi naman ako sanay uminom ng hard. Noong pauwi na kami, sumabay ako kay Tony kasi sabi niya p'wede daw kaming magpalit ng damit niya sa dorm niya na malapit sa school para daw hindi naman obvoius na nag inuman kami sumama naman ako. Ayon pala iyong ibang classmates namin gumala pa. Medyo nahilo pa ako. Nag-stay ako sa dorm niya siguro dahil crush ko siya bumigay ako noong kaming dalawa nalang medyo naging touchy siya. Nakahiga ako noon. hinalikan niya ako at siya at siya ang first time ko.
Gabi na noong umuwi ako at iniwan ko siyang tulog. Wala kaming imikan sa school nang sumunod na mga araw. Sinusubukan niyang kausapin ako pero todo iwas ako sa kanya. Sobrang nahihiya ako sa kanya at sa nangyari sa'min. Hanggang sa ayon, after two months, nadiscover kong buntis ako! Hindi ko ipinaalam sa kaniya though may mga messages siya. Nag-deactivate ako sa fb, tutal pinadala ako sa Laguna nila Mommy. Naalis ako sa school at simula noon nawalan na kami ng communication kaya sobra 'yong gulat ko nang magkita kami ulit. Ganoon pa rin siya, Guwapo pa rin. Nag-kamustahan kami saglit tapos tinanong niya ako kung nakapag-asawa na ako. Sabi ko wala at busy ako sa work siya naman daw mag-aasawa na at dahil sa awkwardness, nagpaalam na ako. Pag-uwi ko sa bahay sinubukan kong kalimutan na ang pagkikita namin pero mas malala pa pala ang susunod na pangyayari.Binibihisan ko si Nica, nang tawagin ako ni ate Johana, dumating na raw ang fiancé niya. Alam mo 'yong feeling na parang hindi totoo 'yong nangyayari nang ipakilala kami sa isat-isa. Si Tony, siya ang fiancé ni ate Johana. Nagulat din si Tony at napansin ito ni ate kaya natanong niya kung magkakilala kaming dalawa. Si Tony ang unang sumagot at sinabi niyang mag-classmate kami noong college. Tipid lang akong ngumiti sa kanilang dalawa. Tapos biglang sumingit si Mommy na buhat si Nica.
Si Nica, siya ang anak ko. Nakita ko parang namutla si Tony lalo na nang sabihin ni Mommy na anak ko si Nica. Sobrang kaba ko kasi sa totoo lang hindi naman sa akin kamukha si Nica. Hindi niya ako kamukha mas kamukha siya ni Tony pero kumalma lang ako para hindi mahalata ang lahat . Naging maayos naman 'yong naging dinner . Nakita ko na pasulyap-sulyap sakin si Tony. Parang may mga tanong sa mata niya pinagdadasal ko na sana hindi niya mapansin 'yong resemblance nila ni Nica. Pero ang nakakaasar pa sa sitwasyon Naglaro pa sila ng PS3. At parang gusto kong maiyak. Mag-ama sila at hindi nila alam. At mas lalo na ngayon paano ko ba sasabihin na 'yong fiancé ng ate ko at tatay ng anak ko ay iisa?
Tiyak magiging magulo 'yong sitwasyon at pinagdarasal ko na sana kasal na ng ate ko at makabalik na kami sa Pampanga. Kinabukasan nagpasya na akong bumalik sa Pampanga. Sabi ko kina Mommy, saglit lang ang leave ko. Weekends lang talaga kasi marami akong kailangang gagawin. Bago ako umalis nilapitan ako ni ate, sabi niya huwag daw akong mawawala sa kasal niya at kahit hindi naman daw kami close, ako lang daw ang kapatid niya. Maging matured na raw kami dahil mag-aasawa na siya. Saglit siyang napakuwento about kay Tony, head daw ng marketing si Tony. Alam niyang HRM ito dati pero nag shift ng course. Hndi naging big deal sa kanya na same school kami and ayon, she was just so surprise na classmate ko nga si Tony na kung alam niya lang 'yong nakaraan namin baka instead na yakap, sabunot ang ibigay niya sakin. Akala ko magiging okay na ang lahat after kong bumalik ng Pampanga . Isang araw, nagulat ako nang makita ko sa resto si Tony. Gusto daw niya akong makausap. Wala raw siyang alam na kapatid ko si Johana kasi limited lang daw 'yong naikuwento ni Johana tungkol sa'kin.At feeling niya hindi naman daw ako gano'n kahalaga kay Johana kasi nga mostly negative 'yong k'wento nito about sa'kin.
Like iyong maaga akong nabuntis t'saka nasa loob daw 'yong kulo ko. Oh 'diba? Ang bait niyang kapatid sa akin? Sabi ko, ganoon naman talaga 'yong nangyari e.Nabigla ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.Sabi niya, "Bakit hindi mo sinabi na nag-kaanak tayo?" Nagulat ako, sabi ko Hindi siya ang ama ni Nica.Hanggang sa bigla niyang kinuha 'yong wallet niya. May nilabas siyang picture. Para akong mahihimatay no'ng ipakita niya sa'kin 'yong picture niya.Grade two pa raw siya sa kuhang iyon at walang duda, kitang-kita iyong mukha ni Nica sa picture niya. Natahimik lang ako. Nag sorry ako. Nag explain ako na nahiya kasi ako sa kanya.
Alam kong bata pa kami noon, may mga pangarap at alam kong aksidente lang ang nangyari. At hindi ko namalayan, umiiyak na pala ko. Niyakap niya ko. At nung araw na yon nalaman kong nag leave si Tony. Gusto daw niyang makasama yung anak namin. Pagka kita niya daw kay Nica ay magaan na daw ang loob niya. lalo pa siyang nagkaroon ng idea nung malaman niyang anak ko si Nica.
Pumasyal sila sa isang mall. Gabi na non ng maihatid ni Tony si Nica sa bahay. Nagulat ako kasi may bitbit din siyang pagkain. Gusto daw niyang mag-dinner kaming family. Family? Grabe 'yong feelings ko ns parang sasabog 'yong puso ko. Family, ang sarap pakinggan no? kaming tatlo, isang pamilya. Pero paano naman 'yong realidad na ilang weeks na lang ikakasal na siya sa Ate ko? Gabi nang pauwiin ko si Tony. Sabi ko ayaw kong malaman ni Ate na pinuntahan niya ako dito. Medyo nainis si Tony. Kasi Ilang taon ko daw ipinagkait sa kanya ang anak natin tapos kung itaboy ko siya ay ganoon na lang. Nainis din ako, tumakbo ako ng kuwarto at aba! sumunod pala siya. niyakap niya ako at sabi niya bakit di ko daw sinabi sana daw matagal na kaming naging buong pamilya. Hinanap daw niya ko. Tinext daw niya yung number ko. Nagmessage daw siya sa FB per di niya ko macontact at dahil Immature pa da siya noong mga panahon na iyon kaya hinyaan niya daw akong lumayo. Nakailang girlfriends siya bago niya makilala si Johana. Mahal niya si ate pero ayaw niyang takbuhan yung responsibilidad niya sakin.Hindi ko alam pano nangyari pero Nagulat ako sa sumunod na nangyari. Nung gabing yon, may nangyari sa amin.
Kinabukasan nagbreakfast kaming tatlo. Masaya ng anak ko. tito ang tawag niya kay Tony.Pero parehas kaming nabigla nang nagtanong si Noreen bakit daw hindi kasama ni Tony si tita Johana niya?At parang parehas na naman kami bumalik sa realidad.Nang pumasok sa school si Nica ,nag-usap kami ni Tony sabi ko,mali yung nangyari eh.Ikakasal na siya sa ate ko.Ayaw kong pagmulan ng gulo sa pamilya namin to tahimik na ang buhay ko eh.Sana hayaan na lang niya na ganun pero nagalit siya.Gusto niyang sabihin ang lahat-lahat kay ate.Kung hindi daw matanggap ni ate okey lang sa kanya na maghiwalay sila at hindi matuloy ang kasal. Ako naman daw dapat yung panagutan niya eh.Pinigilan ko siya kasi alam kong malaking gulo to.Umalis si Tony pero sinabi niya mag-decide ako. Mauuna siyang sabihin yung totoo kay ate at sa family ko or ako ang magsasabi? Sobrang gulo ng isip ko kinabukasan tumawag si mama ,galit siya tinanong niya ako kung si Tony daw ang tatay ni Nica .Hindi pa ako nakakasagot ng sabihin niyang,wag kong sasabihin ky Tony na may anak kami.At wag daw malalaman ni ate. Ipapahiya daw niya ako sa work ko kapag nagkaroon nang gulo sa pamilya. Lalung-lalo na kung magkakaproblema sa nalalapit na kasal ni ate.Sabi niya, isipin ko na lang daw yung utang na loob ko sa kanila. Si ate naman daw ang nagpapahiram ng pera nung mga oras na nagkakasakit ang anak ko. Wag ko daw sisirain yung masayang buhay ni ate. Mas lalo akong naguluhan,umiyak ako bakit ganun?Bakit kung kelan okey naman yung buhay ko,saka naging magulo?Anu ba ang dapat kong gawin? itutuloy ang kasal nila ate,ang complicated naman ng situation para sa anak ko. Ayaw kong masaktan yung anak ko ayaw ko ng magulong buhay pero ang sarap sa pakiramdam na makitang magkasama si Tony at Nica. Bakit ba kasi nasa huli ang pagsisisi.Matulungan niyo po sana ko. Ano po ang dapat kong gawin. Ano ang dapat kong sanbihin kay Tony, kay ate, at sa anak ko. Salamat po.
Comments
Post a Comment