GINAGALAW AKO NG TITO KO KAHIT BINATA NA AKO Secret File by Ryan

Ginagalaw ako ng tito ko kahit binata na ako non. Gusto ko mag share ng secret file. Ako nga pala si Ryan at mas pinili ko na ipakilala ang tunay kong pangalan para mas makilala ako ng mga taong alam o napagsabihan ko ng problemang ito mula nung kamusmusan ko.
Isa akong biktima ng sexual abuse noong bata ako. Panganay ako sa anim na magkakapatid. Limang lalake, at isang babae. Naalala ko noon sa edad na anim na taon, nagdecide ang mga magulang ko na tumira sa bukid at doon nagpatayo ng maliit na bahay. Noong una masaya kahit malayo sa bahay ng lolo at lola namin. Malayo sa mga pinsan namin sa bahay namin. At sa madaling salita, kami pa lamang ang may bahay na nakatayo sa lugar na yon. Kaya mahirap kasi, walang kalaro kami kami lang m agkakapatid. At noong isilang ang kapatid naming pang lima, doon na nakuha ni nanay ang sakit niya. Hindi ko nga lang alam kung ano na nga yung tawag dun sa sakit na yun. Yung sakit na nakuha sa panganganak. And since walang kasama at mga kapitbahay sa lugar na yon, napagdesisyunan ng lolo namin na ilipat ang bahay namin malapit sa bahay nila. Kasi baka daw namamaligno o kinukulam yung nanay namin. Walang trabaho yung nanay at tatay namin. Wala ring natapos. Yung tatay namin, grade 3 at yung nanay namin, grade 5 lang yung tinapos. Hindi ko alam kung dahil sa kahirapan o katamaran kaya hindi nila natapos pareho yung pag aaral nila. Ewan ko, basta nabuhay kami sa pagsasaka. Yung may ibang may ari ng lupa, doon nakikisaka yung tatay namin. Kung walang aanihin, hahanap ng ibang raket para kumita. At dumating nga yung araw na kailangan ko nang mag aral. Dahil hindi ok yung nanay namin para tulungan ako sa pag aaral ko, tumira ako sa bahay ng lola ko para magabayan ng mga tita namin kasama pa ng mga pinsan na noon, nag aaral din. Pagtapos ng klase nasa bahay ako. Tumutulong sa gawain ng bahay. Dahil nga panganay ako, at may sakit ang nanay ko, ako yung kaagapay niya sa gawaing bahay at pag aalaga sa iba ko pang mga kapatid. Namulat ako sa hirap ng buhay at pagbabanat ng buto sa mura kong edad. Pagsapit ng gabi sa bahay, yung lolo at lola ko, doon naman ako nag aaral at gumagawa ng assignment. Ganoon yung ikot ng buhay ko.
Image Source: Facebook - Batang Pinoy Noon at Ngayon
Hanggang sa sumapit ang pang grade 4 ko. Doon na nagsimula yung madilim na pangyayari ng buhay ko. Pinakilala ang tita ko na isa sa mga tumutulong sa aming magpipinsan sa pag aaral, sa lalaking magiging asawa niya. Oo, pinakilala ni tita ang magiging asawa niya, sa amin. Sa mura kong edad, hindi ko akalain, siya pala ang sisira ng buhay ko. Ayun na, ang lalaking ito namanhikan at ikinasal na nga sila ng tita ko. At dahil walang sariling bahay at ayaw sumama ng tita ko sa bahay ng magulang ng tito ko, pansamantala, doon muna sila tumuloy sa bahay ng lolo at lola ko. Walang kwarto ang bahay ng lolo at lola ko. Isang mahabang bahay lang. kaya ayun, tabi tabi at isang hilera lang kami pag natutulog. Tito, tita, mga pinsan lalake at babae. Malapit ako sa tita kong yon kasi nga, siya yung gumagabay at nagtuturo sa akin sa pag aaral ko noon kaya lagi akong sa kanya tumatabi,  Then, isang gabi, nagrequest yung tito ko na palit daw sila ng pwesto ng tita ko. Sa akin, ok lang naman kasi lalaki din naman ang tito ko at asawa naman siya ng tita ko. Ang hindi ko alam, may binabalak na pala siyang masama sa akin. Bata pa ko noon, 10 taong gulang. Sa gitna ng kasarapan ng tulog ko, madaling araw noon. Ipinasok ng tito ko ang kamay niya sa loob ng shorts ko. Hinawakan niya ang maselang bahagi ng katawan ko at para bang pinaglalaruan niya ito. Wala akong ibang naramdaman kundi takot at kaba. Naulit yon gabi gabi. Lumipat at nakipagpalit ako ng pwesto ng higaan pero biglang nagising na lang ako na katabi ko na yung tito ko. At ayun na naman, nakahawak sa maselang bahagi ng katawan ko.

Kaya nag desisyon ako na, sa bahay na lang namin matulog kasi di ko na kaya yung ginagawa sakin ng tito ko. At akala ko, matititgil na yon pag sa bahay na ko matutulog, pero hindi nangyari yon. Kapag lumalabas ako ng bahay para mag igib o mag hilamos sa poso, nandoon ang tito ko. Nakaabang siya sa dilim at hinihila ako sa bakanteng bahay ng isa pa naming tito, kapatid ng tatay ko at dun niya ko ginagalaw.  At ako din ang nirerequest niyang kasama niya sa bahay nila noong nakapagpatayo sila ng maliit na bahay. Bumukod sila mula nang namatay ang lolo namin at sa tuwing umaalis ang tita namin ng gabi para magtinda ng gulay sa bayan, Apat kami sa bahay, kasama ang 2 anak nilang babae na maliliit pa. Ipinagpapaalam niya ko sa lola ko para samahan siya at wala akong magawa. Sinubukan kong umayaw sa lola ko, at umayaw sa tito ko, pero ang lola namin nagagalit at sinasabi na "bakit ayaw mo? matutulog ka lang doon. kawawa naman ang tito mo walang kasama." Kawawa? ang hindi alam ng lola ko na ako ang kawawa pero hindi ko masabi ang dahilan kasi, pinangungunahan ako ng takot and at the same time, naaawa ako sa mga anak nila sa tito ko. Kasi kapag nalaman nila, pwedeng magkagulo at pwedeng magkahiwalay sila. Kaya hinayaan ko na lang.
Itinago sa sarili ko. Pero naulit, naulit ng naulit halos gabi gabi hanggang sa mag high school ako.
Kung dati, pahipo hipo lang ang ginagawa ng tito ko, mas lumala pa. Naalala ko, nagrereview ako noon at gumagawa ng assignment doon sa bahay ng lola ko. At dahil may lamesa, at lampara lang yung gamit, nakagawa pa rin siya ng paraan. Mahirap lang po kasi kami noon at walang pampakabit ng kuryente kaya nagtitiis lang sa lampara. Nagulat ako nung isang gabing yon. Nasa likod ko na siya hindi lang hipo yung ginawa niya sa akin. Kung dati kamay lang yung ginagamit niya sakin, ng panahong yon, bibig na. Ginamit niya ang bibig niya sa akin. Wala akong magawa kundi magparaya at hayaan lang ang sarili kong tito sa ginagawa niya hanggang sa makaraos siya. Kasi kapag umayaw ako, hinihila niya yung maselang bahagi ng katawan ko. Hinihila niya kaya nasusugatan. At kapag umalis na siya, iniiyak ko na lang lahat. Kaya sobrang galit ako sa tito ko. Galit na galit ako nung panahon na yon. Wala akong masabihan. Kahit sarili kong nanay hindi ko magawang masabi yung nangyayari sa akin.

At nahinto na lang yung panghahalay ng tito ko noong nagtapos na ako ng highschool kasi umalis na rin ako sa amin. At hanggang ngayon, walang nakakaalam sa pamilya namin. Wala silang alam tungkol sa sinapit ko sa kamay ng tito ko na asawa ng tita ko, kasi mas pinili kong itago. Pinili kong itago para makaiwas sa kahihiyan at para hindi masira ang pamilya nila. Natatakot din kasi ako na baka malaman ng pamilya namin. At baka kung ano pa yung magawa sa kanya lalo na ng tatay ko.

Sa ngayon, isa lang ang nasisiguro ko, walang alam ang tita ko sa ibang pagkatao ng asawa niya. Oo, hindi alam ng tita ko na may ibang pagkatao  ang asawa niya, na silahis ang tito ko. Ayaw kong masira ang pamilya nila pero sa loob loob ko pakiramdam ko ang dumi dumi ko na. Siguro, hanggang sa hukay  ko na lang dadalhin itong lihim ko na to para na lang sa katahimikan ng lahat. Ang haba ng tinitiis ko. 10 years old pa lang ako noon hanggang mag 16 years old ako. Gabi gabi ng buhay ko puro bangungot. Hindi ko alam kung tama ba na nananahimik lang ako noon. Kayo ba? Ano bang masasabi ninyo? Dapat ko po bang ipaalam sa magulang ko yung mga sinapit ko sa kamay ng tito ko noon? O mas magandang huwag na lang at itago ko na lang habangbuhay?

Sa ngayon, 30 years old na ko and I'm currently working as a salesman. Maraming salamat po.
Source: Ginagalaw ako ng tito ko kahit binata na ako
Secret file sent by Ryan

Comments