GINALAW NG BESTFRIEND KO ANG GIRLFRIEND KO Secret File by Bryan




Pare, Bakit? Bakit girlfriend ko pa ang ginalaw mo? Ang sakit sakit ng puso ko ngayon. Ako si Bryan at ito ang aking Secret File.


Birthday last week ng kaibigan kong si Kevin at ininvite niya kami ng girlfriend kong si Yuri. Hindi ako nakapunta sa birthday ni Kevin kasi nasa batangas kami ng family ko nun tapos sabi sakin ni yuri kung pwede na siya nalang yung pumunta. Sabi ko, papayagan ko lang siya kung may kasama siyang kilala ko na babae. Sabi naman ni Yuri na meron naman daw, si Anne daw. Pinayagan ko naman yung girlfriend ko tapos nag text rin ako kay kevin. Sabi ko, “Pre, happy birthday. Sensya di ako makakapunta. Bawi nalang ako. Hahahaha ingatan mo girlfriend ko ha. Malaki tiwala ko sainyo.  Sabi niya, “Salamat pare. Oo talagang babawi ka! Hahaha oo pare akong bahala.”
Mga 11 PM. nag text na si Yuri
Yuri: Be andito na kami sa apartment nina Kevin
Ako: Okay okay, ingat kayo dyan ha? Ingat ka! Alam mo yung mga ayaw ko ha. I love you! 
Yuri: Opo boss! Opo, I love you too!! 
Ako: Sige ri. Lowbat na ako eh.. nag dridrive pati ako. Maya nalang ulit pag dating namin sa bahay nina tita. I love you so much! Ingat ha? Babe ha, wag kang gagawa ng mga ayaw ko. I love you so much ulit 
Yuri: Sige babe, ingat pagdrive. I love you so much!! Opo babe.. Iloveyou.
Kakauwi lang namin sa bahay nina tita ng siguro mga 3 AM dahil naligaw pa kami ni daddy. Tapos nag charge ako agad at tinext ko agad si Yuri. Tinanong ko kung kamusta na siya tapos sabi ko rin na umuwi na siya. Ipapasundo ko siya sa kapatid ko na babae. Nag reply naman siya agad, sabi niya dun na daw siya kina Kevin matutulog. Sabi ko, hindi yun pwede tapos sabi niya sige, magpapakaon nalang daw siya sa daddy niya tapos sabi ko tawagan na niya ngayon dahil hindi pwede na dun siya kina kevin matutulog tapos siguro after ng mga 15 minutes, sabi ni Yuri nandun na daw yung daddy niya sabi ko sige mag ingat kayo. I love you.. mga ganun ganun. Nakahinga na rin ako ng maluwag! Ayoko kasi patulugin si Yuri dun dahil alam ko na madami-dami rin lalaki. Tapos sabi ni yuri nakauwi na daw siya sabi ko mag pahinga na siya, I love you. sabi naman niya, thank you. opo, I love you too. Ganun.
After 1 week, nakabalik na din ako sa manila galing Batangas. Medyo nagiging cold na rin si yuri sakin. Nung nasa dorm ko na ako, biglang may tumulak sakin. Akala ko kung sino, si anne lang pala. Medyo malungkot yung mukha niya nun. Tinanong ko siya kung ano yung problema..
Anne: Si Yuri kasi..
Ako: Bakit? Anong nangyari?
Anne: Hindi ko na sana sasabihin sayo ‘to, pero grabe talaga. Sobrang nakukunsensya ako. Sorry Bryan. Kung meron lang sana akong nagawa para pigilan sila, kaso wala eh.
Ako: Ha? Teka, ano ba yun!?
Anne: May nangyari kina kevin at yuri nung birthday niya. Nung tinext mo siya ng kamusta na siya at umuwi na siya, katabi niya ako nun. Sabi niya na wag nalang daw akong maingay sayo.
Ako: Seryoso ka ba? Alam mo hindi magagawa yan ni Yuri. Mahal na mahal namin ang isa’t-isa.
Tapos may mga pinakita saakin si anne na magkayakapan si Yuri at Kevin, magkahalikan at magkapatong sa kama. Kinwento pa sakin ni Anne yung mga buong pangyayari. Kaya daw hindi niya napigilan si yuri dahil tinititigan daw siya ng masama ni Kevin. Nung narinig at nung nakita ko yung mga pictures, napatulala nalang ako.. Sobrang sakit grabe.. Bigla nalang tumulo yung luha ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sinasabi sakin ni Anne na tama na, wag na daw akong umiyak habang pinipispisan ako sa loob. Pumasok ako ng dorm ko at hinayaan ko nalang si anne sa labas. Tapos after 5 minutes may kumatok. Nung binuksan ko na, si anne pala. Sabi niya sakin SORRY BRYAN. Sabi ko Okay lang, salamat ng marami dahil naging tapat siya sakin.


Alam ko na lahat lahat, pero hindi ko pinapahalata kay yuri na alam ko na. sobrang sakit, pero mahal na mahal ko siya. Alam kong ang tanga tanga ko, pero mahal na mahal ko talaga yung girlfriend ko. Sobrang maga na yung mga mata ko kaya hindi pa rin ako nakakapasok ngayon.. Siguro babagsak na rin ako. Hindi ko na talaga alam yung gagawin ko. Bukas 2nd anniversary na namin, ewan ko ba pero alam ko naman na ginawa ko lahat lahat para kay yuri. P**ng ina, araw araw nag eeffort ako sa kanya, araw araw pinaparamdam ko na sobrang halaga niya para saakin tapos ganito lang?! Grabe. Hindi ako nambabae, hindi ako nakipagtext o nakipaglandian sa kahit sino mang babae. Sobrang loyal ko sa kanya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. 
Source: Love Radio Manila

Message ko ‘to sayo, Kevin… Tang** mo. Pinagkatiwalaan kita. Sabi ko ingatan niyo yung girlfriend ko, sabi ko malaki tiwala ko sainyo, babawi ako pag uwi ko tapos sabi mo naman pare na ikaw ang bahala at oo talagang babawi ako ha? Hahaha! IKAW PALA BAHALA HA?  HINDI KO ALAM KUNG DAPAT BA AKONG BUMAWI SAYO, PERO GAGO KA PARE... BAHALA NA SI LORD SAYO. Tinuring kita na kapatid, pero ito lang ang ipapalit mo sakin? Salamat tol.
Sa ngayon, gusto ko humingi ng tulong sa inyo. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko

Comments