MUNTIK KO MAPATAY ANG ASAWA KO DAHIL GINAGALAW NIYA ANG KAPATID KO Secret File by Jenny


Muntik ko ng mapatay ang asawa ko nang makita kong ginagalaw niya ang kapatid ko. Masakit para sakin pero walang nangyari. Ito ang secret file ko. Tawagin niyo ko sa pangalang Jenny, 29 years old. Sa kasalukuyan, nandito sa Saudi ngayon at baka sakaling matulungan niyo ko.



Isa kong widow. Maaga kong nag asawa sa edad na 20. Ikinasal ako sa asawa ko 2008. Ahead siya ng 9 na taon. Pero sa kasamaang palad, noong 2012, namatay yung asawa ko. Binangungot siya doon sa pinag tratrabahuhan niya kaya masakit sa akin. Pilit kong ibinangon ang sarili ko. Pilit kong nilakasan ang loob ko dio alintana ang sakit na nararamdaman at pangungulila sa asawa ko lalo na't may naiwan siya. Hindi lang ako, pati na rin ang dalawa naming anak. Panganay na babae at sinundan ng lalake. 3taong gulang ang panganay ko at 1 taon naman ang pangalawa ko kaya naisipan kong kumayod, naisipan kong magbanat ng mga buto para sa mga anak ko. Iniwan ko yung mga anak ko sa mga parents ko. Nagapapadala lang ako ng pera buwan buwan at minsan isang beses sa dalawang buwan. And then after 1 year, mula nang mamatay ang asawa ko, may nakilala kong isang lalake. Nagkamabutihan kami, nagka palagayan ng loob at naisipan naming magsama sa iisang bubong. Sabi niya sakin, Hundi daw siya magkakaanak kasi may deperensya siya at para sa akin, ayos yun. Sinabi ko sa kanya na ok lang kasi ayaw ko na rin magka anak kasi kuntento na ko sa dalawa kong anak. Hanggang sa lumipas ang mga araw at buwan. Mag 3 buwan na kaming nagsasama nang parang may nararamdaman akong kakaiba sa pangangatawan ko. Lagi akong tinatanghali ng gising at nagsusuka ko tuwing gigisng kaya nagtataka ko kung bakit ganoon. Ang sabi ng live in partner ko hindi daw siya magkaka anak. Loyal at faithful naman ako sa kanya. Kaya sinabi ko sa kanya kung ano man tong nararamdaman ko at lampas isang buwan na kong hindi dinadatnan.

Kinumpronta ko siya kung totoo bang hindi siya magkaka anak. Dineny niya, todo deny. Sinabi niya pa sakin na baka nadelay lang ako.  Sabi ko ni minsan hindi ako nadelay ng mes. Ayaw niyang umamin. Kaya ang ginawa ko, bumili ako ng PT at ayun na nga, positive, buntis ako. Nang mga panahong yon para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Bakit kailangang magsinungaling sa akin na sinabi niya sa akin na hindi siya magkakaanak. Eh eto nga buntis ako at umiiyak ako ng mga panahon na iyon. Hanggang sa sinabi niya na baka daw hindi ko siya sagutin pag nalaman ko na pwede siyang magka anak kaya ginawa niya daw yon. Pero dahil dun sa mga sinabi niya, pinatawad ko siya. Binigyan ko siya at ang sarili ko ng chance na makapagsimula muli ng buhay bilang mag asawa. Hanggang sa dumating na nga ang panahon na manganganak na ko. CS ako at doon, tinanong ako ng isang doktor kung ilan na ang anak ko. Sabi ko, pangatlo na ito. Kaya nag suggest ang doctor na kung gusto ko daw ba ay ligation. Nung marinig ko iyon, walang pag aalinlangan, sumang ayon ako. Alam din ng asawa ko iyon.

Isang araw, tumawag ang kapatid ko, ang bunso namin. Sabi niya, magwowork daw siya malapit sa amin kaya kung pwede daw, sa amin siya tumira. At yun nga, sa amin nga siya tumira. Lumipas ang mga araw, may instinct akong kakaiba sa kapatid ko at asawa ko. Pero pinalampas ko. Hanggang sa dumating yung araw na hindi ko inaasahan. Nag inuman kami kasama ang kapitbahay namin na ka close ko. At nang matapos na kami, nagsusuka yung kapatid ko sa kalasingan kaya inutusan ako ng asawa ko na mag init ng tubig at ipag timpla ko daw ng kape ang kapatid ko. Napakunot noo ako. Nagtataka sa kilos ng asawa ko pero mas nanaig pa rin ang pag aalala ko sa kapatid ko. At yun na nga, pinagtimpla ko at pinainom ng kape ang kapatid ko. Nang matapos sabi ng kapatid ko, iba raw yung pakiramdam niya, kailangan daw niya ng ointment kasi masakit raw yung ulo niya at katawan niya. Kaya pinagsabihan ko siya na bakit kasi siya umiinom ng sobra sobra eh hindi naman pala kaya. At nagtaka ako nang sabihan ako ng asawa ko na siya na lang daw ang maglalagay ng ointment sa ulo ng kapatid ko. Nagtaka ako pero pinalampas ko pa rin. Hanggang sa naisipan kong lumabas ng bahay at umupo sa upuan sa labas ng bahay namin. Nag iisip, hanggang sa para bang bigla akong nataranta at may bigla akong kaba na naramdaman sa dibdib ko. Sabi ko sa sarili ko, ano ba to bakit ambilis ng takbo ng puso ko.

Nang pumasok ako ng bahay, gusto kong uminom ng tubig, pero bigla na lang para na lang naramdaman ko ang sarili ko at sarili kong mga paa na humahakbang patungo sa kuwarto namin. At napako ako sa nakita ko. Ang asawa ko at kapatid ko ay may ginagawang milagro. Naghahalikan sila. Hinahalikan ng asawa ko ang maselang parte ng kaptid ko. NAtigilan ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw, gusto kong maglupasay. At nang matauhan ako, bigla na lang akong kumuha ng malaking kahoy at pinalo ko sa likuran ng asawa ko. Ilang beses ko siyang pinalo habang umiiyak ako. Habang sinasambit ang mga katagang BAKIT! BKIT NIYO NAGAWA SAKIN TO. At dahil dun parang muntik ko nang mapatay ang asawa ko. Muntik ko nang makita ang asawa ko nang makita kong ginagalaw niya ang kapatid ko. 

Ilang beses siyang lumuhod, Ilang beses siyang nagmakaawa sakin na patawarin ko. At yung kapatid ko naman, kunwari walang nangyari. Sabi ng kapatid ko, lasing lang daw siya at wala siyang kaalam alam sa nangyayari at hindi niya daw matandaan. Sabi ko, HINDI MO MATANDAAN? HINDI MO MATANDAAN KASI TUMIRIK NA SA SARAP YANG MGA MATA MO! At dahil sa nangyari, nawalan ako ng tiwala sa asawa ko. Pinatawad ko sila sa nagawa nila sa akin pero hindi ko makakalimutan. Hanggang sa naisipan ko mag abroad para mawala ng tuluyan ang sakit na nararamdaman ko. Pero hindi eh, hinde. Yung kapatid ko, matapos ang pangyayaring yon, umalis siya sa amin. Yun ay bago ako pumunta dito sa Saudi. At nung mag 3 buwan na ko dito, grabe ang selos ng asawa ko. Pinagbibintangan akong andami ko daw lalaki dito. At sabi ko naman sa kanya, Paano ko magkakaroon ng lalake eh alam mo naman kung gano kahigpit ang policy nila rito. Ni hindi nga ko makalabas eh. Lagi na lang kami nagaaway. Hanggang sa nakipag hiwalay na lang ako sa kanya. Kasi lagi naman kaming nag aaway eh. At lagi ko rin naaalala ang kawalang hiyaang ginawa nila sa akin ng kapatid ko. 

Sa ngayon, 9 months na ko dito sa Saudi. at sabi ng ex live in partner ko, Hindi niya raw ako ipapakilala sa anak ko at tuturuan niya raw yung bata na magalit sa akin. ibi-brinwash niya daw yung anak namin. Kasi nga, hindi naman daw siya pumapayag na makipag hiwalay ako sa kanya. Anong klaseng lalake to no? Nakakawalang gana kasi lahat ng padala ko, ginasta niya sa walang kwentang bagay. Sinusugal niya yung mga padala ko at isa rin yun sa mga dahilan kung bakit hindi na ko nakapag tiis at nakipaghiwalay na ko sa kanya. Sa ngayon kailangan ko ng payo ninyo kung anong dapat kong gawin. Naguguluhan talaga ko kung tama ba na nakipaghiwalay ako. Tama ba na hindi ko ipinaalam sa aprents namin na ang babae na naabutan ko sa kuwarto namin ay yung sarili kong kapatid. Alam kasi ng parents ko yung ginawang panloloko ng ex ko. Pero ang hindi nila alam, ang babae ay ang kapatid ko. Ano ba talagang dapat kong gawin? Tulungan niyo naman ako. Hihintyon ko ang mga payo niyo, Maraming salamat. JENNY



Pakinggan mula dito ang kuwento.



Secret file sent by Jenny

Subscribe for more!
For suggestions and reactions, please comment below. :)




Comments